





Ang Sto. Rosario Multi-Purpose Cooperative (SRMPC) ay buong-pusong nag-aanyaya sa inyong lahat na maging bahagi ng aming kooperatiba. Sa aming 3,600+ na miyembro, patuloy kaming naglilingkod sa pamamagitan ng mga programang may-dalen na makakatulong sa inyong kabuhayan at kinabukasan.
Bakit Dapat Sumali sa SRMPC?
Ang SRMPC ay hindi lamang isang kooperatiba — kami ay isang pamilya na magkakasama sa pag-abot ng mga pangarap. Bilang 2025 VALKOOP Hall of Fame Awardee sa kategoryang Most Outstanding Cooperative (Large Category), patunay ang aming dedikasyon sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo sa aming mga kasapi.
Mga Hakbang para Maging Kasapi
1. Dumalo sa PMES (Pre-Membership Education Seminar) at COVS (Cooperative Ownership and Values Seminar)
2. Mag-fill up ng Membership Form
3. Magbayad ng P100.00 para sa Membership Fee
4. Magbayad ng P500.00 para sa Tulong Kamay-ari Fund
5. Magbayad ng P50.00 para sa I.D.
6. Magbayad ng saping puhunan na P3,000.00 o higit pa (HINDI nawi-withdraw). Maaaring magbayad ng paunang P300.00 ngunit ang kabuuang P3,000.00 ay dapat bayad sa loob ng anim (6) na buwan.
7. Magpasa/magbigay ng 2×2 ID Picture (2 pcs)
8. Tax Identification Number (TIN)
Mga Benepisyo ng Pagiging Kasapi
Bilang kasapi ng SRMPC, magkakaroon kayo ng access sa aming mga serbisyo kabilang ang savings accounts, mga uri ng loan, livelihood programs, at dividends. Samahan niyo kami sa aming misyong maglingkod sa bawat kamay-ari at sa ating pamayanan.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang aming opisina sa 83 G. Marcelo St., Maysan, Valenzuela City o tumawag sa 0945 774 7659 / 8961-7586 / 0919 645 8598. Maari rin kaming i-email sa storosario.mpcooperative@gmail.com.